"Your honor, unfair po sa akin and never po ako humingi ng campaign fund..."

Mariing itinanggi ni dating Mayor Alice Guo ang mga lumabas sa isang dokumentaryo ng Al Jazeera na ipinakita sa Kamara, kung saan sinabi na siya umano ay spy ng China.

Hindi rin daw siya tumanggap ng campaign funds kay She Zhijiang.

Ayon pa kay Guo, magkokonsulta siya sa kaniyang abogado para sa posibleng pagsampa ng kaso laban sa nagpalabas ng dokumentaryo at kay She.